Public School Teacher and Financial Speaker
.Ano ba ang STOCK MARKET?
Ang Stock Market ay isa sa mga pinaka legal na investment sa ating bansa kung saan ka pwedeng makabili ng stocks sa mga malalaking kumpanya kagaya ng Jollibee, Globe, PLDT, Ayala Corp, SM, San Miguel Corp. Para makabili ng stocks, pumili ng Stock Broker na may online trading kagaya ng COL Financial, BPI Trade, FirstMetroSec and BDO Nomura, Abacus Securities. May mga tutorial sila dyan kung paano bumili at magbenta ng stocks.
Pag may share ka sa isang kumpanya, ibig sabihin isa ka nang INVESTOR/SHAREHOLDER. Good Job! Pero di magtatapos dyan dahil dumirekta ka sa stockmarket, ikaw ang magma-manage ng investments mo, ikaw ang FUND MANAGER ng STOCK PORTFOLIO mo.
Pero kung wala kang oras para mag manage at gusto mong mas madali ang kita ng pera mo sa STOCK MARKET ay mag invest ka sa MUTUAL FUNDS.
Benefits of Investing in Mutual Funds
Kung wala ka pang Time, Knowledge, Capital at medyo takot ka pa dahil baka malugi ka sa Stock Market, ito ang nababagay para sa'yo... Ito ang tinatawag na Mutual Funds.
Sa Mutual Funds ikaw ay “INDIRECT INVESTOR” dahil merong Professional Fund Manager(s) na mag-ma-manage ng portfolio mo, hindi ikaw ang magde-decide kung anong mga companies ang bibilhin.
Ang Mutual Funds ay pinagsama-samang pera ng mga investors, kunwari yung P100,000 ko, P5,000 mo at P10,000 ng kaibigan mo pagsasamahin ng Fund Manager yan at dahil malaki ang budget, ibibili yan ng mga “Blue Chips” Companies like Jollibee, SM, Ayala, Globe, etc. Now, kapag kumita na ibabalik ito sa mga investors.
Kunwari kumita ang MF Company ng 5%.
Ang kinita ko sa P100,000 ay P5,000
(P100,000 x 5%)
Ang kinita mo sa P5,000 ay P250
(P5,000 x 5%)
Ang kinita ng kaibigan mo sa P10,000 ay P500
(P10,000 x 5%)
NGAYON, halagang P1,000 pesos pwede kanang makapagsimula sa MUTUAL FUNDS at mag dagdag anytime sa investment mo.
Dito mo malalaman kung magkano ang projected value ng investment mo sa Mutual Funds or Stock Market.
Monthly Savings: Ito yung kaya mong ipunin every month, sa picture ay may nakalagay na example: 1,000 pesos hanggang sa 10,000 pesos.
Annual Interest: Depende ito sa paglalagyan ng Mutual Fund account mo, sa picture ay:
4% - Madalas ito ay mga pang short-term goal yung tipong 1-3 years ay kukuhanin mo na ang investment mo. Kung ikaw ay yung tipo na taong hindi risky sa mga investment ay mas mainam na dito mo nalang ilagay, maliit ang kita pero maliit lang din ang lugi ng pera mo kung sakali.
8% - Kung ikaw ay yung tipong investor na sakto lang ang risk appetite, dito mo ilagay ang funds mo. Atleast 5 years of investing para maramdaman mo ang return nito.
12% and above - Ito ay fund na talagang risky, kung ang goal mo ay short-term or medium term ay hindi advisable na ilagay mo ito dito. Pero kung ikaw ay long-term mag-isip, yung tipong pang College Education ng anak, Pambili ng House and Lot, Travel. Retirement Money, dito mo ilagay ang fund mo. I recommend to invest sa ganitong klase ng fund kung ang goal mo ay 5 years pataas.
Number of Saving Years: Makikita sa picture kung magkano ang projected value nito after 5, 10, 13, 15, 20, 25, 30. The longer you save and invest, mas malaki ang return nito. Sa pag-iinvest napaka-importante ang longterm at consistency.